top of page

Sangguniang Bayan, Nagsagawa ng Pre-Budget Hearing para sa FY 2027

Sep 21
1 min read

Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng Pre-Budget Hearing nitong Setyembre 15–16, 2026 sa 3rd Floor ng Multi-Purpose Hall bilang bahagi ng paghahanda sa pagbalangkas ng badyet ng Pamahalaang Bayan para sa Fiscal Year 2027.



Dumalo sa pagdinig si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, kasama ang mga pinuno at kawani ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan.


Tinalakay sa Pre-Budget Hearing ang mga mahahalagang proyekto, programa at iba pang pangangailangan ng bawat tanggapan na isasaalang-alang sa paglalaan ng pondo para sa susunod na taon.


Layunin ng pagdinig na matiyak na magiging maayos at naaayon sa mga pangangailangan ng bayan ang paghahanda ng badyet para sa FY 2027.


 
 
 

Comments


bottom of page