top of page

SANGGUNIANG BAYAN, NAGSAGAWA NG PAMPUBLIKONG PAGDINIG PARA SA LAND RECLASSIFICATION

Oct 23
1 min read


Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng pampublikong pagdinig nitong Oktubre 19, 2026, sa Barangay Sampaloc kaugnay ng kahilingan para sa reclassification ng isang lupang may sukat na 8,179 metro kuwadrado mula sa agrikultural tungo sa komersyal/industriyal na gamit.


Pinangunahan ang pagdinig ni Kgg. Vicente N. Paulino, Chairman ng Committee on Urban Planning, Zoning, Land Use, Housing and Resettlement, kasama si Vice Mayor Edison M. Veneracion at mga kagawad ng Sangguniang Bayan.


Ang naturang kahilingan ay inihain ni G. Danilo Sabariaga at tinalakay sa pampublikong pagdinig bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri bago ang kaukulang pagpapasya ng Sangguniang Bayan.

Comments


bottom of page