top of page

Sangguniang Bayan, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Garden Resort sa Brgy. Salapungan


Upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga pasyalan sa bayan, nagsagawa ng isang ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, sa Rose Garden Resort na matatagpuan sa Barangay Salapungan.


Ang naturang pagbisita ay bahagi ng masusing pagsubaybay ng lokal na pamahalaan sa mga establisyimento sa loob ng kanilang nasasakupan. Layunin ng inspeksyong ito na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng pasilidad at matiyak na ang resort ay mahigpit na sumusunod sa mga umiiral na alituntunin, regulasyon, at mga safety protocols na itinakda ng Pamahalaang Bayan.



Ayon kay Vice Mayor Veneracion, mahalaga ang mga ganitong hakbang upang maprotektahan ang mga turistang bumibisita sa bayan at masigurong ang bawat negosyo ay tumatalima sa batas para sa ikabubuti ng komunidad.


Ang pagtutulungan ng mga opisyal ng bayan at ng mga may-ari ng establisyimento ay susi sa pagpapanatili ng mataas na antas ng turismo at serbisyo sa San Rafael.

Comments


bottom of page