top of page

Sangguniang Bayan, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Barangay Talacsan

Oct 24
1 min read


Nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa Barangay Talacsan upang suriin ang ipinatatayong gusali ni Rena Villarosa sa pangunguna ni Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang mga kagawad.


Personal na binisita at sinuri ng mga miyembro ng Sanggunian ang lugar upang makakuha ng sapat na impormasyon bilang batayan sa pagsusuri ng hinihiling na clearance.


Layunin ng inspeksyon na matiyak na magiging maayos ang proseso ng pagpapasya habang isinasaalang-alang ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Comments


bottom of page