Sangguniang Bayan, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Bagong Gusali

Nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong Agosto 24 sa bagong gusaling ipinatayo sa likod ng munisipyo na nakatakdang gamitin ng kapulisan.
Nanguna sa inspeksyon sina Punong Bayan Cipriano “Goto” Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang mga kagawad ng Sangguniang Bayan.

Sinuri sa isinagawang inspeksyon ang kasalukuyang kalagayan at progreso ng pasilidad, na kabilang sa mga proyektong isinulong ng Pamahalaang Bayan.
Layunin ng proyekto na mabigyan ang kapulisan ng maayos at angkop na pasilidad na susuporta sa kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa Bayan ng San Rafael.






Comments