top of page

Sangguniang Bayan, Nag-Ocular Inspection sa Isang Private Resort sa Brgy. Coral na Bato


Upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at tamang regulasyon sa mga lokal na pasyalan sa bayan, nagsagawa ng isang Ocular Inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa isang private resort na matatagpuan sa Barangay Coral na Bato.


Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan at Presiding Officer, Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang mga kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan.



Personal na tinungo at sinuri ng grupo ang pasilidad upang masuri ang kabuuang kalagayan, kaligtasan, at kaangkupan ng lugar. Ang hakbang na ito ay bahagi ng mahigpit na pagsubaybay ng pamahalaang lokal upang matiyak na ang mga establisyimentong panturismo ay 100% na sumusunod sa mga umiiral na alituntunin, ordinansa, at regulasyon ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.


Sa pamamagitan ng pagbisitang ito, sinisiguro ng Sangguniang Bayan na ligtas ang mga pasilidad para sa mga turista at residente, habang pinangangalagaan din ang kalikasan at kapakanan ng komunidad sa paligid ng resort.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page