San Rafael PNP, Nagsagawa ng Water Level Monitoring sa mga Bahaging Bahain

Nagsagawa ng water level monitoring ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa mga bahaging madaling bahain ngayong Agosto 9, 2026.
Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang aktibidad sa koordinasyon sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael (LGU).
Layunin ng monitoring na masuri ang kasalukuyang lebel ng tubig at sitwasyon sa mga lugar na posibleng bahain upang maging maagap ang pagtugon sakaling magkaroon ng pagbaha.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng koordinasyon at kahandaan upang maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng mga residente sa panahon ng masamang lagay ng panahon.






Comments