top of page

San Rafael PNP, Nagsagawa ng Barangay Visitation para sa Paghahanda sa Bagyong MayMay

Aug 9
1 min read

Nagsagawa ng barangay visitation at coordination ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sampaloc ngayong Agosto 9, 2026, bilang bahagi ng paghahanda at monitoring kaugnay ng Tropical Depression “MayMay.”


Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang aktibidad kasama ang mga kinatawan ng barangay.


Sinuri ang sitwasyon sa lugar, kabilang ang mga posibleng bahain at high-risk areas, upang matiyak ang kahandaan ng barangay at mga tauhan ng pulisya sakaling magkaroon ng epekto ang sama ng panahon.


Pinagtibay rin ang koordinasyon para sa mabilis na pagpapalaganap ng mga weather updates, emergency preparedness measures, at kaukulang response actions para sa kaligtasan ng mga residente.

Comments


bottom of page