San Rafael PNP, Nagpaalala ng Safety Tips sa Panahon ng Bagyo

Nagpaalala ang San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa mga residente na manatiling alerto at handa sa panahon ng bagyo upang maiwasan ang panganib at maprotektahan ang kanilang kaligtasan.
Hinimok ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather updates at abiso ng mga awtoridad, lalo na kung may banta ng malakas na ulan, pagbaha, o iba pang epekto ng bagyo.
Pinayuhan din ang mga residente na ihanda ang mga pangunahing pangangailangan, iwasang pumunta sa mga lugar na delikado o binabaha, at agad na sumunod sa evacuation advisories kung kinakailangan.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang San Rafael MPS sa Pamahalaang Bayan at iba pang ahensya upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad sa panahon ng kalamidad.






Comments