SAN RAFAEL, PINAGKALOOBAN NG ₱10 MILYON PARA SA DISASTER REHABILITATION AT RECOVERY

Pinagkalooban ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael ng ₱10 milyon mula sa FY 2026 National Disaster Risk Reduction and Management Fund – Disaster Rehabilitation and Recovery Assistance Program (NDRRMF-DRRAP) para sa mga gawaing rehabilitasyon at pagbangon mula sa mga pinsalang dulot ng kalamidad.
Bahagi ang pondo ng tulong ng Pambansang Pamahalaan upang masuportahan ang mga kinakailangang hakbang sa pagpapanumbalik ng mga lugar at serbisyong naapektuhan ng mga kalamidad.
Dinaluhan ni Acting Municipal Mayor Edison M. Veneracion ang nasabing aktibidad na ginanap sa Malacañang Palace.
Inaasahang makatutulong ang pondong ito sa mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapabilis ang rehabilitasyon at recovery efforts sa bayan ng San Rafael.






Comments