top of page

San Rafael, Nakikiisa sa Ika-126 Philippine Civil Service Anniversary

Sep 1
1 min read

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng ika-126 Philippine Civil Service Anniversary ngayong Setyembre 2026.


Sa pangunguna ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., kasama sina Vice Mayor Edison M. Veneracion at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, binibigyang-pugay ng lokal na pamahalaan ang mga lingkod-bayan na patuloy na nagsisilbi sa publiko.



Bitbit ang temang “Puso, Dangál, at Galing para sa Bayan,” tampok sa pagdiriwang ang pagpapahalaga sa integridad, dedikasyon, at mahusay na serbisyo ng mga kawani ng pamahalaan.


Layunin ng pagdiriwang na kilalanin ang mahalagang ambag ng mga civil servant sa pagpapatupad ng mga programa at pagbibigay ng serbisyo para sa mamamayan.

Comments


bottom of page