San Rafael, Nakiisa sa Paggunita ng Maundy Thursday
- SB San Rafael

- Apr 2
- 1 min read

Sa gitna ng paggunita ng Mahal na Araw, nagpaabot ng mensahe ng pagninilay ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga kababayan ngayong Maundy Thursday o Huwebes Santo.
Binigyang-diin nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion ang kahalagahan ng araw na ito bilang panahon ng pagbabalik-loob at pag-alala sa dakilang halimbawa ng pagmamahal at paglilingkod na ipinamalas ng Panginoon.
"Ngayong Huwebes Santo, nawa’y magnilay tayo sa tunay na kahulugan ng kababaang-loob. Gaya ng paghuhugas ng paa sa mga alagad, nawa'y maging inspirasyon ito sa atin na maglingkod sa ating kapwa nang may tapat na puso," anang mensahe mula sa lokal na pamahalaan.
Hinihikayat ang bawat San Rafaeleño na maglaan ng sapat na oras para sa taimtim na panalangin, pagpapatawad sa mga nakatampuhan, at pagpapalalim ng personal na pananampalataya. Ang katahimikan ng araw na ito ay isang pagkakataon upang muling suriin ang ating ugnayan sa Diyos at sa ating komunidad.
Kaisa ang buong Sangguniang Bayan, hangad ng pamunuan ang isang mapayapa at banal na paggunita para sa bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments