San Rafael, Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Water Day 2026
- SB San Rafael

- Mar 26
- 1 min read

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Water Day 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Sagip Ilog Project.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa kahabaan ng tabing-ilog mula sa Brgy. Lico hanggang Brgy. Poblacion. Layunin ng proyektong ito na mapanatili ang kalinisan ng ating mga anyong tubig at itaguyod ang wastong pangangalaga sa ating likas na yaman.

Naging katuwang sa naturang clean-up drive ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga non-government organizations (NGOs) at mga empleyado mula sa iba’t ibang business establishments sa ating bayan. Ang pagtutulungang ito ay nagpapakita ng malasakit ng mga San Rafaeleño hindi lamang sa kapakanan ng kapwa, kundi maging sa ating kalikasan.
Ayon sa pamunuan nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang pang-kapaligiran. Ang malinis na ilog ay sumasalamin sa isang maunlad at disiplinadong bayan, kaya naman mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa sa pagpapanatili nito.
Ang World Water Day ay taunang paalala sa kahalagahan ng tubig at sa responsibilidad nating protektahan ang ating mga water resources para sa susunod na henerasyon.





Comments