San Rafael, Nakiisa sa National TB Prevention Month
- SB San Rafael

- Mar 11
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan, nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng National Tuberculosis Prevention Month ngayong buwan.
Sa pangunguna ng ating Municipal Health Office (MHO) at sa suporta nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, layunin ng kampanyang ito na palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa pag-iwas, maagang pagtuklas, at tamang gamutan sa tuberkulosis (TB). Ang hakbang na ito ay bahagi ng adhikain na gawing "TB-free" ang buong bayan at maprotektahan ang bawat pamilya mula sa banta ng hawaan.

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga kababayan na maging mapagmatyag sa kanilang kalusugan. Ayon sa MHO, mahalagang kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung may nararanasang mga sumusunod na sintomas:
Ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa.
Lagnat at pagpapawis sa gabi.
Biglaang pagbaba ng timbang.





Comments