top of page

San Rafael, Nakiisa sa International Coastal Cleanup Day 2026

Sep 23
1 min read

Nakilahok ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa paggunita ng International Coastal Cleanup Day 2026 na may temang “Clean Seas for Resilient Communities,” bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran at mga daluyan ng tubig.


Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa mga ilog, sapa, kanal at iba pang daluyan ng tubig na mahalaga sa komunidad.


Hinikayat din ang mga residente na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng wastong pagtatapon at paghihiwalay ng basura, pagbabawas ng paggamit ng plastic at regular na paglilinis ng paligid.


Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan, layunin nitong mapanatiling malinis ang kapaligiran at maisulong ang mas responsable at makakalikasang komunidad sa San Rafael.

Comments


bottom of page