top of page

San Rafael, Nakiisa sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill


Sa layuning mapataas ang antas ng kahandaan at masigurong ligtas ang bawat lingkod-bayan, matagumpay na nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong umaga.


Sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang aktibidad ay nilahukan ng mga pinuno at kawani ng iba’t ibang departamento, kasama ang puwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) San Rafael.



Binigyang-diin sa drill ang tamang pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold”—ang pangunahing hakbang na dapat gawin sa oras ng pagyanig. Layunin nito na sanayin ang reflexes ng bawat isa at matiyak na alam ng bawat kawani ang kani-kanilang evacuation routes at assembly points sa loob at labas ng Municipal Hall.



Comments


bottom of page