top of page

San Rafael, Nakamit ang ‘Ideal Level of Functionality’ sa 2026 LCPC Assessment


Isang malaking karangalan ang muling nasungkit ng Pamahalaang Bayan matapos opisyal na makamit ng bayan ang Ideal Level of Functionality sa katatapos lamang na 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment.


Ang prestihiyosong pagkilala ay bunga ng pagkakapit-bisig ng buong lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Naging katuwang din sa tagumpay na ito sina Municipal Administrator Dra. Marina Rivera Viente, ang tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma'am Ma. Victoria Ramos, at ang lahat ng miyembro ng LCPC.


Ang kahanga-hangang markang ito ay sumasalamin sa walang katulad na dedikasyon at komitment ng munisipyo sa pagtataguyod ng kapakanan, proteksyon, at pag-unlad ng bawat kabataan sa komunidad. Ipinapakita rin nito ang tapat at mahusay na pamamahala na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mas mataas na antas ng serbisyo publiko.


Samantala, nagpaabot ng espesyal na pasasalamat at pagkilala ang pamahalaang bayan kay DILG Officer Ma'am Mary Joy Nabor para sa kaniyang mahalagang gabay, suporta, at asistensya sa buong proseso ng ebalwasyon.


Hangad ng pamunuan na ang nakamit na milestone na ito ay magsilbing mitsa upang mas lalo pang pag-ibayuhin ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga bata at pamilyang San Rafaeleño.

Comments


bottom of page