top of page

San Rafael, Nagpulong para sa Pagtugon sa Patuloy na Pag-ulan at Pagbaha

Aug 10
1 min read

Pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang isang pagpupulong upang talakayin at suriin ang kasalukuyang kalagayan ng bayan, partikular ang epekto ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa mga residente.


Dumalo sa pagpupulong sina Municipal Administrator Dra. Marina Viente, Vice Mayor Edison M. Veneracion, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga hepe ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan.


Tinalakay ang mga kinakailangang hakbang para sa patuloy na pagmomonitor sa mga lugar na apektado, paghahanda ng relief goods, at agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga San Rafaeleño.


Binigyang-diin ni Mayor Violago na nananatiling pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Bayan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat San Rafaeleño sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha.

Comments


bottom of page