top of page

San Rafael, Nagpaabot ng Pasalamat sa Filipino-Chinese Groups at NGO para sa Medical Mission

Aug 4
1 min read

Nagpaabot ng malaking pasalamat ang Pamahalaang Bayan at ang buong mamamayan ng San Rafael sa matagumpay na pagsasagawa ng libreng Medical, Dental, at Optical Mission sa gusali ng Pamahalaang Bayan nitong Linggo, Agosto 2, 2026.


Ang naturang serbisyong pampubliko ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikipagkaisa ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc., Bulacan Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc., Dragon Fireworks, at ng Damayang Filipino Movement Inc.


Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, maraming residenteng San Rafaeleño ang nakatanggap ng libreng konsultasyong medikal, gamot, serbisyong panggamot sa ngipin, at pagsusuri sa paningin upang matugunan ang kanilang mga pangangailangang pangkalusugan.



Ang matagumpay na gawaing ito para sa kalusugan ng mamamayan ay buong pusong kinikilala at sinusportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, na patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba't ibang sektor para sa kapakanan ng bawat pamilyang San Rafaeleño.

Comments


bottom of page