top of page

San Rafael, Nagdadalamhati sa Pagpanaw ni Dra. Magdalena I. Gonzales


Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pamilya at mga naulila ng ating minamahal na Dra. Magdalena I. Gonzales, na pumanaw na.


Si Dra. Magdalena ay ang mabuting maybahay ng ating dating Punong Bayan Carlos F. Gonzales. Kilala ang doktora sa kanyang hindi matatawarang dedikasyon sa paglilingkod at sa kanyang malasakit sa mga mamamayan ng San Rafael sa loob ng maraming taon.


Sa mensahe nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, binigyang-diin ang malaking ambag ni Dra. Magdalena sa komunidad. Ang kanyang tapat at makabuluhang paglilingkod ay nag-iwan ng mga mabubuting alaala na mananatiling buhay sa puso ng bawat San Rafaeleño.


Comments


bottom of page