San Rafael MPS, Nagsagawa ng Water Level Monitoring sa mga Bahaging Bahain

Nagsagawa ng water level monitoring ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa mga bahaging madaling bahain sa kanilang area of responsibility ngayong Agosto 29, 2026.
Isinagawa ang monitoring sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, upang masuri ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng komunidad sa gitna ng patuloy na masamang panahon.
Patuloy namang nakahanda ang San Rafael MPS na tumugon at tumulong sa mga residenteng maaaring maapektuhan ng pagbaha.
Nakikipag-ugnayan din ang kapulisan sa Pamahalaang Bayan at iba pang concerned agencies upang matiyak ang maagap na pagtugon kung kinakailangan.






Comments