top of page

San Rafael MPS, Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Sampaloc

Aug 16
1 min read

Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sampaloc noong Agosto 15, 2026.


Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang isinagawang operasyon bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng himpilan laban sa kriminalidad.


Layunin ng checkpoint na matiyak ang pagsunod sa mga batas trapiko at lokal na ordinansa, gayundin ang pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng komunidad.


Patuloy namang nagsasagawa ang San Rafael MPS ng mga hakbang upang maiwasan ang mga kriminal na aktibidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Comments


bottom of page