top of page

San Rafael MPS, Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Sampaloc

Aug 23
1 min read

Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sampaloc nitong Agosto 21, 2026.


Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang operasyon bilang bahagi ng patuloy na mga hakbang ng himpilan laban sa kriminalidad.


Layunin ng checkpoint na matiyak ang pagsunod sa mga batas trapiko at lokal na ordinansa, gayundin ang pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa komunidad.


Patuloy namang isinasagawa ng San Rafael MPS ang mga hakbang upang maiwasan ang mga kriminal na aktibidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Comments


bottom of page