San Rafael MPS, Nagpatupad ng Police Visibility sa mga Establisimyento

Nagsagawa ng establishment visitation at police visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa iba’t ibang establisimyento sa kanilang area of responsibility ngayong Agosto 30, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police.
Layunin nito na mapalakas ang police presence, mapagtibay ang ugnayan sa mga establisimyento, at makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Patuloy namang isinusulong ng San Rafael MPS ang proactive policing at pakikipagtulungan sa komunidad bilang bahagi ng tungkulin nitong maglingkod at magprotekta sa publiko.






Comments