top of page

San Rafael MPS, Nagpatupad ng Monitoring sa Panahon ng Bagyong MayMay

Aug 9
1 min read

Nagsagawa ng coordination at monitoring ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Command Center ngayong Agosto 9, 2026, bilang bahagi ng paghahanda sa epekto ng Bagyong “MayMay” at Habagat.


Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang aktibidad na nakatuon sa pagmamanman sa mga bahaging madaling bahain, pangunahing kalsada, at iba pang kritikal na lugar.


Sinubaybayan din ang mga CCTV feed at sinuri ang kondisyon ng mga kalsada at panahon upang matiyak ang agarang koordinasyon at pagtugon sakaling magkaroon ng emergency.


Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang San Rafael MPS sa Pamahalaang Bayan at iba pang concerned agencies upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente, gayundin ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng masamang panahon.

Comments


bottom of page