San Rafael MPS, Nagpaabot ng Pakikiramay sa Pumanaw na Kapwa Pulis

Nagpaabot ng pakikiramay ang San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa pamilya at mga mahal sa buhay ng isang kapwa tauhan ng Philippine National Police (PNP) na pumanaw nang hindi inaasahan.
Binigyang-pugay ng San Rafael MPS ang kanyang dedikasyon, serbisyo, at tapat na pagtupad sa tungkulin bilang isang pulis.
Ayon sa San Rafael MPS, malaking pagkawala ang kanyang pagpanaw hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa buong organisasyon ng PNP.
Mananatili umano ang kanyang halimbawa ng karangalan, dedikasyon, at paglilingkod sa mga taong kanyang natulungan at naantig sa kanyang pagseserbisyo.
Nagpaabot din ng panalangin ang San Rafael MPS Family para sa kanyang walang hanggang kapahingahan at sa pagbibigay ng lakas at kapanatagan sa kanyang naiwang pamilya.






Comments