top of page

San Rafael MPS, Nagbigay ng Seguridad sa Relief Distribution sa Pantubig

Aug 9
1 min read

Nagbigay ng security assistance ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang pamamahagi ng relief goods sa Barangay Pantubig ngayong Agosto 9, 2026.


Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang mga tauhang nagbigay ng seguridad sa aktibidad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., kasama sina Vice Mayor Edison M. Veneracion at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Layunin ng security assistance na matiyak ang maayos, ligtas, at mapayapang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng patuloy na masamang panahon.


Patuloy namang nakikipagtulungan ang San Rafael MPS sa Pamahalaang Bayan upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng komunidad, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Comments


bottom of page