San Rafael MPS at BPATs, Nagsagawa ng Mobile Patrol sa Pantubig
Nagsagawa ng joint mobile patrol operation ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) kasama ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Barangay Pantubig nitong Hulyo 30, 2026.
Pinangunahan ang operasyon ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng isinagawang pagpapatrolya na mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga residente sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng komunidad at pakikipagtulungan sa kapulisan.
Patuloy na hinihikayat ang pakikiisa ng mga mamamayan sa mga hakbang para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.






Comments