top of page

San Rafael, Magpapatupad ng 4-Day Work Scheme Simula March 10


Bilang pagtalima sa Memorandum Circular No. 114 at sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., opisyal nang ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Temporary 4-Day Work Scheme simula bukas, ika-10 ng Marso, 2026.


Sa ilalim ng bagong iskedyul na ito, ang karamihan sa mga tanggapan sa munisipyo ay magbibigay ng serbisyo mula 7:00 AM hanggang 6:00 PM. Layunin ng hakbang na ito na maging mas produktibo ang mga kawani habang tinitiyak na ang mga mamamayan ay mapagsisilbihan pa rin nang maayos sa loob ng apat na araw na pasok kada linggo.


Gayunpaman, binigyang-diin nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na ang mga esensyal na serbisyo ay hindi maaapektuhan ng nasabing pagbabago. Mananatili sa kanilang normal na 5-day work schedule (Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM – 5:00 PM) ang mga sumusunod na departamento:

  • Health & Social Services: Rural Health Units (RHU) at MSWD

  • Public Safety & Emergency: MDRRMO at Command Center

  • Public Utility & Environment: Public Market at MENRO


Para naman sa ating mga kababayang nangangailangan ng serbisyong medikal para sa panganganak, ang ating Birthing Station ay mananatiling bukas 24 oras (24/7) na may shifting schedule na 8:00 AM – 8:00 PM at 8:00 PM – 8:00 AM.


Ang pansamantalang hakbang na ito ay bahagi ng pagsasaayos ng operasyon ng gobyerno upang makasabay sa pambansang direktiba habang pinapanatili ang de-kalidad na serbisyo para sa bawat San Rafaeleño.

Comments


bottom of page