San Rafael LGU, Naghahanda para sa Ligtas at Maayos na Undas 2026

Nagsagawa ng pagpupulong ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael bilang paghahanda sa paggunita ng Undas 2026 upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga mamamayang bibisita sa mga sementeryo sa bayan.
Pinangunahan ni Acting Mayor Edison M. Veneracion ang pagpupulong kasama si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Rafael, mga force multiplier, at mga punong barangay na nasasakupan ng mga sementeryo.
Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga barangay upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan sa panahon ng Undas.
Layunin ng paghahanda na maisulong ang isang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Undas 2026 sa San Rafael.






Comments