San Rafael LGU, Nagbabala Laban sa Pekeng Christmas Bazaar Registration

Nagpaalala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael na wala pa itong inilalabas na opisyal na registration para sa San Rafael Christmas Bazaar.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ang publiko na huwag basta maniwala sa mga Facebook post, online announcement, text message o iba pang mensaheng nagsasabing bukas na ang pagpaparehistro o nag-aalok ng mga puwesto para sa Christmas Bazaar, lalo na kung may hinihinging bayad, reservation fee o registration fee.
Pinayuhan din ang publiko na huwag magpadala ng pera, personal na impormasyon o anumang dokumento sa mga indibidwal o account na nagsasabing tumatanggap sila ng registration para sa nasabing aktibidad.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, ang opisyal na impormasyon hinggil sa Christmas Bazaar, kabilang ang iskedyul ng registration, mga kinakailangan, bayarin, bilang at lokasyon ng mga puwesto, ay ipaaalam lamang sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page at mga awtorisadong tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Hinikayat ang mga residente na maging mapanuri at tiyaking lehitimo ang pinagmulan ng impormasyon bago makipagtransaksyon.






Comments