top of page

SAN RAFAEL, KINILALA BILANG IKATLONG NANGUNGUNANG LGU SA TOURISM RECEIPTS

Nov 13
1 min read

Nakamit ng Bayan ng San Rafael ang pagkilala bilang ikatlong may pinakamataas na tourism receipts sa buong lalawigan ng Bulacan sa ginanap na Gawad ng Singkaban – Bulacan Excellence in Tourism (BET Awards) ngayong Nobyembre 12, 2026.


Tumanggap ang lokal na pamahalaan ng parangal na LGU with the Highest Tourism Receipts – 3rd Highest matapos makapagtala ng kabuuang ₱18,919,127 na kita mula sa turismo noong 2025.


Ayon sa Pamahalaang Bayan, bunga ang pagkilalang ito ng sama-samang pagsisikap ng mga tanggapan, kawani, tourism stakeholders, partners at mamamayan sa pagsusulong ng turismo at pagpapalago ng lokal na ekonomiya.


Nagpasalamat din ang lokal na pamahalaan kina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion sa kanilang suporta at paggabay sa mga programang pangturismo ng bayan.


Nagsisilbing inspirasyon ang parangal upang higit pang mapaunlad at maipakilala ang mga likas na yaman, kultura at potensyal ng San Rafael bilang isa sa mga destinasyong panturismo sa Bulacan.



Comments


bottom of page