top of page

San Rafael, Isinusulong ang Tamang Kaalaman sa HPV


Kasabay ng pagdiriwang ng Women's Month, nakiisa si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion sa paggunita ng International HPV Awareness Day. Ang inisyatibong ito ay naglalayong maghatid ng tamang impormasyon tungkol sa Human Papillomavirus (HPV) at ang mga panganib na hatid nito sa kalusugan.


Ang HPV ay isang karaniwang virus na madalas ay walang pinapakitang sintomas ngunit maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon gaya ng genital warts at iba't ibang uri ng kanser, partikular na ang cervical cancer sa mga kababaihan. Sa mensahe ni Kuya Edison, binigyang-diin niya na ang kaalaman ay ang unang hakbang sa proteksyon.


"Mahalaga ang maagang pagpapasuri at ang pagbabakuna laban sa HPV. Hindi lamang ito para sa sarili, kundi para sa kaligtasan ng ating buong komunidad," ani Vice Mayor Veneracion. Bilang bahagi ng programang pangkalusugan nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at ng Sangguniang Bayan, patuloy na hinihikayat ang mga kababayan na sumangguni sa mga Health Centers para sa tamang gabay at serbisyong medikal.


Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at bakuna, layunin ng San Rafael na mapababa ang kaso ng mga sakit na preventable o maiiwasan naman sa tulong ng siyensya at pag-iingat.

Comments


bottom of page