San Rafael, Host ng VMLP-Bulacan: Kultura at Pagkakaisa, Binida sa 3rd Monthly Meeting
- SB San Rafael

- Apr 20
- 1 min read

Muling ipinamalas ng ating bayan ang kahandaan nito sa pagho-host ng malalaking pagtitipon matapos maging matagumpay ang 3rd Monthly Meeting ng Vice Mayor’s League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter noong ika-16 ng Abril, 2026.
Ang pagtitipon ay ginanap sa Catalino Hall ng 8 Waves Waterpark & Hotel sa Barangay Ulingao. Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng ating mga masisipag na Kagawad ng Sangguniang Bayan, naging masigla at makabuluhan ang pagtanggap sa mga Pangalawang Punong Bayan mula sa iba't ibang munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan.

Bilang bahagi ng mainit na pagtanggap, hindi lamang mga usapin ng lokal na pamamahala ang naging sentro ng programa. Naghandog din ang lokal na pamahalaan ng mga espesyal na pagtatanghal na nagpapakita ng mayamang kultura at masiglang diwa ng "Bayan ng mga Anghel." Ang mga presentasyong ito ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at pagpapahalaga ng San Rafael sa bawat panauhin.
Ayon sa pamunuan, ang pagho-host sa ganitong uri ng pagpupulong ay isang pagkakataon upang lalong mapagtibay ang ugnayan ng mga bayan sa Bulacan. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga best practices at makabuluhang diskurso, mas napalalakas ang kakayahan ng bawat lokal na pamahalaan na magbigay ng serbisyong tapat at epektibo para sa kanilang mga nasasakupan.





Comments