San Rafael Health Office, Naglunsad ng Libreng Bakuna laban sa Tigdas sa WalterMart
- SB San Rafael

- Aug 15
- 1 min read

Upang matiyak ang kalusugan at proteksyon ng mga kabataan laban sa nakahahawang sakit, inilunsad ngayong araw ang libreng pagpapabakuna laban sa tigdas para sa mga bata sa WalterMart San Rafael.
Ang naturang aktibidad ay ginaganap sa Back Entrance ng mall, malapit sa Kid's Box, at bukas upang maglingkod sa mga magulang at kanilang mga anak hanggang ika-5:00 ng hapon (5:00 PM).

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan at ng Municipal Health Office ang lahat ng mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak upang makatanggap ng sapat na proteksyon laban sa tigdas at iba pang maiiwasang sakit.
Ang patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan para sa mga bata ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang garantiyahan ang malusog at ligtas na kinabukasan ng bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments