top of page

San Rafael Christmas Station ID Contest 2026, Bukas sa mga Lokal na Songwriter at Singer

Oct 1
1 min read

Hinikayat ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang mga lokal na songwriter, composer at singer na lumahok sa San Rafael Christmas Station ID Contest 2026 upang maipamalas ang kanilang talento at pagkamalikhain sa pagbuo ng awiting pamasko.


Nakalaan ang ₱30,000 na premyo para sa magwawagi, ₱10,000 para sa first runner-up, at ₱5,000 para sa second runner-up.


Maaaring isumite ng mga kalahok ang kanilang entry sa email na sanrafael.socmed2025@gmail.com, kasama ang kanilang pangalan, tirahan at contact number. Ang huling araw ng pagsusumite ay sa Oktubre 23, 2026, habang nakatakdang ipahayag ang mga magwawagi sa Oktubre 28, 2026.


Ang mapipiling panalo ay inaasahang magtatanghal nang live sa pagbubukas ng San Rafael Christmas Village and Bazaar 2026. Binigyang-diin din ng mga tagapag-organisa na hindi tatanggapin ang mga musikang nilikha gamit ang artificial intelligence (AI).


Para sa kumpletong mekaniks at pamantayan sa paghusga, hinihikayat ang mga interesadong lumahok na sumangguni sa opisyal na anunsyo ng patimpalak.

Comments


bottom of page