SAN RAFAEL AT MERALCO, NAGLAGDA NG KASUNDUAN PARA SA DIGITAL ELECTRICAL INSPECTION

Pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael at Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagpapatupad ng E-Certificate of Final Electrical Inspection (E-CFEI).
Layunin ng kasunduan na mapabilis at mapadali ang pagkuha ng Certificate of Final Electrical Inspection sa pamamagitan ng digital na sistema.
Bahagi ito ng pagsusulong ng lokal na pamahalaan sa digital transformation at modernisasyon ng mga serbisyong publiko upang makapagbigay ng mas mabilis at episyenteng serbisyo sa mga residente.






Comments