Saloobin ng Mamamayan, Binibigyang-Pansin sa Pamahalaang Bayan

Patuloy na bukas ang tanggapan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. para sa mga San Rafaeleñong nais magbahagi ng saloobin, mungkahi, puna, o humingi ng tulong.
Binigyang-diin ni Mayor Violago na mahalaga sa Pamahalaang Bayan ang bawat boses ng mga mamamayan. Aniya, pinakikinggan at binibigyang-pansin ang kanilang mga concern at suhestiyon upang patuloy na mapabuti ang mga programa, serbisyo, at pagtugon ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at aktibong pakikiisa ng mga San Rafaeleño, layunin ng Pamahalaang Bayan na mas mailapit ang mga serbisyo sa tunay na pangangailangan ng komunidad.
Patuloy namang hinihikayat ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa tanggapan ng Punong Bayan bilang bahagi ng pagtataguyod ng isang bukas, maaasahan, at may malasakit na pamahalaan.






Comments