Sali na sa Summer Sports! Basketball, Volleyball, at Iba pa, Bukas na para sa Online Sign-up
- SB San Rafael

- Mar 26
- 1 min read

Upang masiguro ang kaginhawaan at makatipid sa oras ang mga nagnanais sumali, pormal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang online registration para sa Summer Sports Clinic 2026.
Sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) at sa direktiba ni Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr., maaari na ngayong magpatala ang mga aplikante gamit ang Google Form. Ang hakbang na ito ay layong tulungan ang mga kababayan nating hindi makakapunta nang personal sa munisipyo dahil sa layo ng lugar o kakulangan sa oras.
Paalala ng pamahalaang lokal na "first-come, first-served" ang basehan ng pagtanggap dahil limitado lamang ang mga slots sa bawat larangan:
Basketball: 200 pax
Badminton: 60 pax
Volleyball: 50 pax
Table Tennis: 30 pax
Tennis: 16 pax
Bukas ang programa sa lahat ng edad, at ang huling araw ng pagpapatala ay sa April 6, 2026. Para sa mga nais magparehistro online, i-click lamang ang link na ito: https://forms.gle/S8VYKEtdApiN3DE1A.





Comments