top of page

Punong Bayan, Bukas sa mga Mungkahi at Pangangailangan ng Mamamayan

Sep 23
1 min read

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Cipriano D. Violago, Jr. sa mga San Rafaeleño na dumulog at bumisita sa kanyang tanggapan upang magbahagi ng kanilang mga saloobin, mungkahi at pangangailangan.


Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pakikinig sa mga mamamayan upang higit na maunawaan ang mga pangangailangan ng komunidad at matukoy ang mga paraan upang mapabuti ang mga serbisyo at programa ng lokal na pamahalaan.



Ayon kay Mayor Violago, nananatiling bukas ang kanyang tanggapan para sa mga San Rafaeleño na nais magbahagi ng mga ideya, mungkahi at concerns, gayundin sa mga nais makiisa at maging katuwang sa pagsusulong ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.


Hinikayat din niya ang mga mamamayan na patuloy na makipagtulungan at makiisa sa mga pagsisikap para sa pagpapaunlad at paglilingkod sa Bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page