top of page

Public Market at MTO, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony sa San Rafael


Bilang bahagi ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at disiplina sa paglilingkod, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong araw ng Lunes, ika-16 ng Marso, 2026.


Ang palatuntunan ay pinangunahan ng mga kawani mula sa Public Market at Municipal Treasurer’s Office (MTO) sa ilalim ng pangangasiwa ni Treas. Corazon M. Valmeo. Ang lingguhang aktibidad na ito ay mahalagang bahagi ng mandato ng mga lingkod-bayan upang mapanatili ang pagkakaisa at tapat na serbisyo sa ilalim ng administrasyon nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion.



Comments


bottom of page