top of page

Proseso ng Pagpili sa mga PNP Applicants, Higit na Pinagtibay


Upang matiyak na tanging ang mga pinaka-kwalipikado at karapat-dapat na indibidwal ang mapapabilang sa hanay ng kapulisan, matagumpay na isinagawa ng Ad Hoc Committee ng San Rafael ang initial screening para sa mga aplikante ng Philippine National Police (PNP).


Ang nasabing screening ay bahagi ng mahigpit na proseso ng recruitment na naglalayong suriin kung ang mga nagnanais maglingkod ay nakatutugon sa mga itinakdang pisikal, mental, at dokumentaryong pamantayan ng PNP. Sa ilalim ng direktiba ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., binigyang-diin ang kahalagahan ng integridad at transparency sa bawat hakbang ng pagpili.


Katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, ang aktibidad na ito ay patunay ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan na makapag-ambag ng mga tapat at disiplinadong alagad ng batas na handang magprotekta sa komunidad ng San Rafael.



Comments


bottom of page