Police Visibility, Ipinatupad sa Fluvial Festival sa San Rafael

Nakiisa ang San Rafael Municipal Police Station sa pagdiriwang ng Fluvial Festival sa Bayan ng San Rafael, Bulacan, kabilang ang pagdaraos ng Banal na Misa bilang bahagi ng selebrasyon.
Nagpatupad ang mga kapulisan ng police visibility at police presence upang makatulong sa pagpapanatili ng seguridad, kaayusan at kaligtasan ng mga deboto, residente at iba pang dumalo sa aktibidad.
Patuloy namang isinasagawa ng PNP San Rafael ang mga hakbang para mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa mga aktibidad ng komunidad, alinsunod sa adhikaing “Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”






Comments