top of page

Police Visibility at Foot Patrol, Isinagawa ng PNP San Rafael sa Carlos F. Gonzales High School

Upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mamamayan, nagsagawa ng Foot Patrolling at Police Visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa paligid ng Carlos F. Gonzales High School sa Barangay Maguinao ngayong Hulyo 16, 2026.


Ang naturang roving operation na nagsimula humigit-kumulang 6:22 ng umaga ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Lalo pang pinalakas ng kapulisan ang kanilang pagpapatrolya sa mga pampublikong paaralan sa bayan upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen at magbigay ng kapanatagan sa mga estudyante at magulang sa kanilang pagpasok sa klase tuwing umaga.



Comments


bottom of page