top of page

PNP San Rafael, Nagsagawa ng Weekly BEMPO Meeting

Aug 30
1 min read

Nagsagawa ang San Rafael Municipal Police Station (MPS) ng weekly Barangay Enhanced Managing Police Operations (BEMPO) meeting sa Barangay Pinacpinacan ngayong Agosto 30, 2026.


Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang pagpupulong na dinaluhan ng mga Chief Tanod mula sa iba’t ibang barangay ng San Rafael.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga update kaugnay ng peace and order at safety situation sa kani-kanilang barangay.


Naging pagkakataon din ito para sa pagbabahagi ng impormasyon, pagtukoy sa mga umuusbong na concern, at pagpapatibay ng koordinasyon sa pagitan ng PNP at mga barangay.

Comments


bottom of page