top of page

PNP San Rafael, Nagsagawa ng Police Visibility at Traffic Assistance

Sep 29
1 min read

Updated: Oct 4


Nagsagawa ng police visibility at traffic assistance ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station nitong Setyembre 28, 2026, bandang alas-5:44 ng hapon sa Barangay Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan.


Pinangunahan ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael Municipal Police Station.


Layunin ng police visibility at traffic assistance na mapanatili ang presensya ng pulisya sa lugar at makatulong sa maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada.

Comments


bottom of page