PNP San Rafael, Nagsagawa ng Mobile Patrolling sa Cagayan Valley Road sa Brgy. San Roque
- SB San Rafael

- Jul 30
- 1 min read
Patuloy na pinaiiral ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mahigpit na pagbabantay sa mga pangunahing lansangan sa bayan matapos magkasa ng Mobile Patrolling sa Cagayan Valley Road sa Barangay San Roque noong hapon ng Hulyo 30, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 1:40 ng hapon sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng mobile patrol na palakasin ang presensya ng kapulisan (police presence) sa mga pangunahing highway, pigilan ang anumang posibleng insidente ng kriminalidad o aksidente sa kalsada, at tiyakin ang mabilis na pagresponde para sa kaligtasan ng mga biyahero at residente sa lugar.





Comments