PNP San Rafael, Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Brgy. San Roque

Upang higit pang patatagin ang seguridad at ipatupad ang mga batas trapiko at lokal na ordinansa, nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangay San Roque nitong Hulyo 16, 2026.
Nagsimula ang naturang operasyon dakong 9:00 ng umaga sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na kepulisan upang mapigilan ang anumang uri ng ilegal at kriminal na gawain, tiyakin ang disiplina sa kalsada, at panatilihin ang pangkalahatang kaligtasan at kaayusan ng komunidad.






Comments