top of page

PNP San Rafael, Nagpaabot ng Pagbati sa mga Bagong Promoted na Tauhan


Taos-pusong binati at kinilala ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang kanilang mga tauhan na opisyal nang umakyat sa mas mataas na ranggo ngayong buwan.


Ang naturang promosyon ay pagkilala sa kanilang walang patid na sipag, dedikasyon, at tapat na pagtupad sa tungkulin na nagpapakita ng tunay na diwa at ehemplo ng isang opisyal ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police).


Inaasahan na ang pagtanggap ng bagong ranggo ay magdadala ng mas malaking responsibilidad, mga bagong pagkakataon, at patuloy na tagumpay sa kanilang paglilingkod at pagprotekta sa mamamayan at sa buong bansa.



Comments


bottom of page