PNP San Rafael, Naglunsad ng Anti-Criminality Checkpoint sa Brgy. Capihan

Nagpatupad ng masiglang Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangay Capihan nitong Hulyo 16, 2026, bandang 11:00 ng umaga.
Ang naturang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief of Police, PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan.
Layunin ng nasabing checkpoint na mahigpit na ipatupad ang mga batas trapiko at mga lokal na ordinansa sa bayan. Bukod dito, bahagi rin ito ng patuloy na hakbangin ng kapulisan upang mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng buong komunidad.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng San Rafael PNP ang mga motoristang dumadaan sa lugar na sumunod sa mga alituntunin sa kalsada at magdala ng mga nararapat na dokumento para sa mas maayos na biyahe.






Comments